Azalea, somewhere in philippines, ANIME , GAMER , MANGA, sweet and friendly.
Tinkerbell/s
Bakit sa dami ng nakilala mo, siya pa ang nagustuhan mo? Bakit siya pa yung minahal mo? Bakit sa kanya ka pa nahulog ng ganyan? Yung mga gusto niya, nabibigay mo. Sa mga problema niya, natutulungan mo. Kapag hindi niya na kinakaya, sinasalo mo. Tama pa nga ba ang ginagawa mo? Worthy ba siya sa mga effort mo? Sana maisip at maramdaman mo na ikaw ang mahihirapan. Mahirap dahil sa pagmamahal na binibigay mo, wala kang natatanggap. Sa sitwasyong yan, ikaw yung talo. Ikaw lang kasi yung nag-e-effort. Ikaw lang yung umiintindi. At ikaw lang yung nagmamahal.